Merkel, nanawagan na pakawalan ang mga German citizens na nakadetine sa Turkey

Sa Germany…

Nanawagan naman si German Chancellor Angela Merkel na pakawalan na ang German citizens na nakadetine sa Turkey.

Ani Merkel, pinapalala lang umano ng Turkey ang hidwaan ng dalawang bansa.

Inaresto ng mga otoridad ng Turkey ang ilan sa mga German citizens na naninirahan roon dahil sa paniniwalang parte ito ng mga teroristang grupo.

Kasabay nito, sinabi ni Merkel na magpapatupad ito ng travel at trade restrictions sa Turkey kung hindi pa papakawalan ang mga binilanggo nito.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *