No gift, no tara at  one strike policy mahigpit na ipapatupad ni Lapeña sa BOC

 Nagbabala ang bagong talagang hepe ng Bureau of Customs (BOC) na si Commissioner Isidro Lapeña sa sinumang mapapatunayang kurakot sa kanyang ahensya.

Sa kaniyang talumpati sa isinagawang turn over ceremony, sinabi nitong agaran nyang ipasisibak sa pwesto ang sinumang empleyado na masasangkot sa korapsyon.

Giit ni Lapeña, oras na masangkot aniya sa anumang klase ng korapsyon ang mga empleyado ng  BOC, ay pasensiyahan na lang daw dahil hindi siya magdadalawang-isip na tanggalin ito sa serbisyo.

Liban sa one-strike policy ay bibigyan naman daw ng reward ng commissioner ang sinumang empleyado na makapagtuturo sa mga kurakot nitong mga kasamahan sa trabaho.

Isang sumbungan ang itatayo ng commissioner para dito.

Sa panig naman ni Faeldon naniniwala ito na higit pa sa kanya ang magagawa ni Lapeña.

Tiwala din ang dating commissioner na magagampanan ni Lapeña ang mandato na malinis ang ahensiya.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *