Raquel Pempengco, planong sampahan ng kasong libel ang sariling anak na si Jake Zyrus

Planong sampahan ng reklamong libel ni raquel pempengco ang sariling anak na si Charice Pempengco o mas kilala na ngayong Jake Zyrus.

Ito ay dahil aniya sa kasiraang naidulot sa kanyang kredibilidad bilang tao at bilang ina sa pagsasadula sa buhay ni Jake na itinampok sa episode ng isang drama anthology show.

Ayon kay Raquel, ngayong linggo niya isasampa ang kaso kapag nakaluwas siya ng Maynila mula sa Laguna.

Una rito, tinawag ni Raquel ang anak na sinungaling dahil sa mga ipinakita na pananakit at pamimilit umano nito na sumali si Jake sa mga singing contest hanggang sa maging sikat ito at ang pagwawaldas nito ng pera.

Gayunman, mismong sariling ina nito na si Thess Pineda ang nagsabing totoo ang mga inilahad ng kanyang apong si Jake.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *