NBA legend Rey Allen, bibisita sa bansa

Inaasahang bibisita dito sa bansa ang sikat na NBA lagend star na si Rey Allen.

Sa post nito sa Instagram account, kanyang ipinakita ang kanyang ticket mula Hongkong papunta dito sa Manila na may caption na “My First Time in Thrilla.”

Ang 42-anyos na NBA veteran player ay huling naglaro sa koponan ng Miami Heat at isa rin ito sa mga tinagurian at kilalang snipers sa larangan ng basketball dahil sa dami ng record nito pagdating sa three point shots.

Samantala…

Nagbigay naman ng $4-M bilang tulong pinansyal ang may ari ng Houston Rockets na si Leslie Alexander sa mga naapektuhan ng Hurricane Harvey sa Houston Texas.

Sa Instagram account nito, ipinaabot ng buong koponan ng Houston Rockets ang kanilang simpatya sa mga nasalanta ng Hurricane Harvey.

Sa huling forecast ay patuloy na hahagupitin ng Hurricane Harvey ang Southeast Texas.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *