Mayor Jed Mabilog, hindi pinag-iinitan ni Pangulong Rodrigo Duterte – Palasyo

Hindi pinag-iinitan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na isa sa mga local chief executives na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Ipinagtataka ng marami ang madalas na pagdawit ng Pangulong Duterte kay Mabilog gayong may iba pang mga alkalde ang napasama din sa narcolist.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sadyang desisyon ito ng pangulong Duterte na banggitin si Mabilog batay na rin sa mga impormasyon na hawak nito.

Hindi naman masagot ng Palasyo ang dahilan ng Pangulong Duterte kung bakit hindi pa nito napagbibigyan ang hiling ni Mabilog na makausap ng personal ang chief executive.

Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na kaniyan nang pormal na itinatalaga si dating Ozamiz Police Chief Jovie Espenido bilang bagong hepe ng Iloilo City.

Naniniwala naman ang Malakanyang na gagawin ni Espenido ang inaasahan sa kaniya sa Iloilo partikular na ang drug prevention at rehabilitasyon sa mga nasasangkot sa paggamit ng iligal na droga. – Hannah Jane Sancho – SMNI News Channel

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *