Pangulong Duterte, nakisalo sa boodle fight sa Pampanga

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang boodle fight sa San Fernando Pampanga.

Pinagsaluhan ng pangulo, mga miyembro ng gabinete, dating pangulong Gloria Arroyo at mga kinatawan ng poultry industry ang pagkain ng manok, itik, itlog at balut.

Ito ay para patunayan sa publiko na ligtas pa rin kainin ang poultry products sa kabila ng bird flu outbreak.

Kasabay nito, ipinagkaloob ng pangulo ang nasa dalawampu’t siyam na milyong pisong tulong pinansyal sa poultry farmers na naapektuhan ng bird flu sa San Luis, Pampanga at jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.

Bahagi ito ng kabuuang 43.31 milyong piso na ipagkakaloob ng Department of Agriculture (DA) sa lahat ng apektadong poultry farmers.

Tiniyak din ng pangulo na dadagdagan pa ng gobyerno ang tulong sa mga ito.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *