Gilas Pilipinas, target ang 2nd win sa Fiba Asia Cup vs Iraq

Hindi umano hahayaan ng Gilas Pilipinas NA mawala ang kanilang momentum sa laban sa Iraq sa Fiba Asia Cup ngayong araw.

Kasunod na rin ito ng pambihirang panalo ng Pilipinas laban sa defending Fiba Asia champion na China.

Ilan sa mga pinaghahandaan ng kopunan ay ang mapisikal na laro ng mga Taga-Iraq.

Titiyakin din ng Gilas na kanilang babantayang mabuti ang naturalized player ng Iraq NA si Kevin Galloway na itinuturing na aggressive scorer.

Magaganap ang laban sa pagitan Pilipinas at Iraq mamayang alas kwatro ng hapon oras sa Pilipinas.

Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *