Top Rank balak itapat kay Horn si Crawford kung ‘di matuloy ang Pacquiao rematch

Balak umano ng Top Rank Promotions na itapat sa bagong WBO Welterweight Champion at Australian na si Jeff Horn ang undefeated American Champion na si Terence Crawford.

Ito ay kung hindi matuloy ang rematch ni Horn kay Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay Top Rank Vice President Carl Moretti, maaaring idepensa ni Horn ang kaniyang titulo kung tuluyang magdesisyon si Pacquiao na magretiro na lamang.

Sina Horn at Crawford ay kapwa hawak ng Top Rank.

Gayunman kailangan munang manalo ni Crawford kontra sa undefeated din na si Julius Indongo sa buwang ito.

Paglalabanan ng dalawa ang korona sa IBF, IBO, WBA, WBC at WBO Junior Welterweight titles.

Kung maaalala dati na ring pinagpilian si Crawford na ilaban sa Pinoy Ring Icon.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *